Patakaran sa Pagkapribado para sa Aplikasyon at Serbisyo
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon ukol sa mga tuntunin ng pagproseso ng personal na datos ng mga Gumagamit ng Programa at Serbisyo produb at mga tuntunin sa paggamit ng tinatawag na cookies. Ang kaalaman ukol sa Patakaran sa Pagkapribado na ito ay magbibigay impormasyon hinggil sa kung sino ang tagapangasiwa ng iyong personal na datos, uri ng personal na datos na titipunin at layon sa pagkolekta, legal na batayan ng kanilang pagproseso, sino ang ibabahagi at kung gaano katagal naming itatago at mga karapatan mo kaugnay ng pagtatakda ng iyong personal na datos sa amin bilang bahagi ng Aplikasyon (Websayt).
Inirerespeto namin ang pagkapribado at proteksyon ng personal na datos ng mga Gumagamit ng Aplikasyon (Serbisyo) alinsunod sa akmang batas. Binibigyang-diin namin na ang pagpapatala sa Programa (Websayt) ay boluntaryo, ngunit sa pagpapatala, ang Gumagamit sa Aplikasyon (Websayt) ay nagbibigay pahintulot sa amin upang gamitin ang personal na datos alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado na ito.
-
Pangkalahatang mga Probisyon
-
Ang tagapangasiwa ng iprinosesong personal na datos sa Programa at Serbisyo ay ang IYUNO PH 6&9/F Finman Bldg. 131 Tordesillas St. Salcedo Village,
Makati City, Philippines
- (mula rito: "Iyuno Group" o “Tagapangasiwa”). Ang tagapangasiwa ay nagtalaga ng tagasiyasat ng proteksyon sa personal na datos.
-
Maaaring makipag-ugnayan sa Tagapangasiwa:
- Sa pamamagitan ng pagpapadala ng elektronikong liham sa: gdpr@iyuno.com
- Sa pamamagitan ng pagpapadala ng elektronikong liham sa kawani ng proteksyon ng personal na datos: gdpr@iyuno.com
- Sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa: IYUNO PH 6&9/F Finman Bldg. 131 Tordesillas St. Salcedo Village, Makati City, Philippines
- PILIPINAS ang tagatanggap ng GDPR.
-
Mga Kahulugan
-
Ang mga terminong ginamit sa Patakaran sa Pagkapribado na ito ay may mga sumusunod na kahulugan:
-
Gumagamit – ay nangangahulugang:
- Taong may sapat na gulang, na interesado sa propesyonal na pakikilahok sa proseso ng Produksiyon, tulad ng: guro, aktor, bokalista, direktor, inhinyero ng tunog, tagasalin, o
- Taong may sapat na gulang, na kinatawan ng batas para sa batang edad 18 pababa, na interesado sa propesyonal na pakikilahok ng kanyang anak o sa proseso ng produksiyon, partikular ang: guro, aktor, bokalista, direktor, inhinyero ng tunog, tagasalin.
- Kinatawan ng Batas – ang magulang na may karapatan ,o ang tagapag-alaga sa bata na nasa edad 18 pababa, ay maaaring maging kinatawan ng bata/binabantayan.
- Aplikasyon – aplikasyon sa selpon na pag-aari ng Tagapangasiwa na nagngangalang produb na magagamit sa Android at iOS.
- Websayt – isang serbisyong internet base sa sistemang teleimpormasyon na magagamit sa domain na: https://ph.produb.app/.
- Mobile device – elektronikong aparato na maaaring bitbitin kahit saan, kung saan maaari kang kumonekta, mag-download at magpadala ng datos gamit ang internet, nang hindi na kailangang gumamit ng koneksyong may kawad, tulad ng smartphone at tablet.
- Panuntunan – mga panuntunan ng aplikasyon ng produb, na makikita sa: https://ph.produb.app/mga-tuntunin-at-kundisyon.
- Patakaran sa Pagkapribado - ang dokumentong ito na may posibleng karagdagan at pagbabago.
- Kliyente ng Iyuno Group – isang negosyante (taong may sapat na gulang o isang organisayon na walang legal na personalidad) na kostumer ng Iyuno Group, na naghahanap ng mga Gagamit na maaaring gampanan ang trabaho sa o may kaugnayan sa Produksiyong inorganisa niya. Ang kliyente ng Iyuno Group ay maaaring makagamit ng Aplikasyon, na naglalaman ng mga Patalastas ng Suki ng IYUNO partikular sa posibilidad na pagbabahagi ng mga ito at pagbasa sa mga datos na ibinigay ng mga Gumagamit.
- Produksiyon – isang koleksiyon ng malikhain, pang-organisasyon, at teknikal na mga gawain na na isinasagawa ng Iyuno Group o ng Kliyente ng Iyuno Group, na naglalayong gumawa (tulad ng tunog o pagsasalin) ng natatanging salin ng wika ng isang palabas, programa sa TV, patalastas, o laro sa kompyuter.
- Mungkahi – isang mungkahi ng Gumagamit tungkol sa mga patakarang nakasaad sa bilang anim punto isa ng mga Regulasyon.
- Anunsiyo ng Iyuno Group/Kliyente ng IYUNO Medya – impormasyon na makikita sa Aplikasyon na inilagay ng Tagapangasiwa o ng Kliyente ng Iyuno Group tungkol sa katotohanang siya ay naghahanap ng tiyak na Gagamit para mailagay ang Kautusan. Ang anunsiyo ng Iyuno Group/Kliyente ng Iyuno Group ay naglalaman ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa Produksiyon, tulad ng klase ng Produksiyon at petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng gawain sa Produksiyon, mga kakailanganin ng Gumagamit. Ang anunsiyo ng Iyuno Group / Kliyente ng Iyuno Group ay maaari ding maglaman ng karagdagang impormasyon tulad ng Sahod.
- Profile – isang puwang sa Sistema ng Tagapangasiwa na para sa mga Gumagamit para siya ay makapasok, makapaglagay, makapagbahagi, at makapagpalit ng kaniyang datos o datos ng kaniyang anak / binabantayan, na nakalagay sa rehistro na tinutukoy sa ikaapat na punto sa ibaba, tulad ng pangalan, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono, uri ng trabaho (guro, aktor, tagasalin, atbp.), propesyonal na karanasan at marami pang iba.
- Kautusan – kontratang batas sibil, partikular sa kontrata ng trabaho o kontrata para sa mga probisyon ng mga serbisyo, pagkokonekta sa isang Gumagamit at Iyuno Group, o Kliyente ng Iyuno Group, na patungkol sa pagganap sa isang trabaho ng Gumagamit sa proseso ng Produksiyon.
- Panimulang Kasunduan sa Pagsasalin ng mga Karapatan - ang panimulang kasunduan sa pagsasalin ng pagmamay-ari ng karapatang magpalathala o mga karapatang kaugnay sa trabahong ginawa ng Gumagamit o anak / tagagamit ng Gumagamit bilang bahagi ng Kautusan, na nagpapataw sa Gumagamit ng obligasyon para pagtibayin Kasunduan sa Karapatan ng Paglipat ng mga patakarang nakasaad sa Panimulang Kasunduan sa Paglipat ng mga Karapatan.
- Kasunduan sa Paglipat ng mga Karapatan – pangwakas na kasunduan sa pagpapasiya sa pagganap sa Panimulang Kasunduan sa Paglipat.
- Profiling – Ang sistema ng awtomatiko o manwal na asosasyon ng mga Detalye ng Gumagamit kasama ang anunsiyo ng Iyuno Group / Kliyente ng Iyuno Group, na nakasaad sa 5.1 ng Regulasyon.
- Personal na Datos – mga impormasyon o detalye patungkol sa tiyak na taong kaugnay ng mga datos (“Datos ng Paksa”), ang uri at kategorya kung saan ay mas ipinaliwanag sa Patakaran sa Pagkapribado na ito.
- GDPR – nangangahulugang Regulasyon ng Parliyamento ng Europa at ng mga Konseho (EU) 2016/679 ng ika-27 ng Abril 2016 sa proteksiyon ng mga indibidwal ukol sa pagproseso ng personal na datos at ng libreng paglipat ng mga datos at ng pagpapawalang-bisa ng Direktiba 95/46 / EC.
- Tatanggap – natural o legal na tao, pampublikong personalidad, yunit o iba pang nilalang na sinabihan ng Personal na Impormasyon.
- Mga Serbisyo – mga serbisyong ibinigay ng Tagapangasiwa sa Gumagamit at mga Kostumer ng Iyuno Group, na nakasaad sa ikatlong punto ng mga Regulasyon.
-
Gumagamit – ay nangangahulugang:
- Ang termino na ginamit sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, na hindi nakasaad sa ika-1.1 sa taas, ay dapat intindihin nang naaayon sa ibinigay na kahulugan sa kanila kaugnay ng mga probisyon ng GDPR.
-
Ang mga terminong ginamit sa Patakaran sa Pagkapribado na ito ay may mga sumusunod na kahulugan:
-
Personal na Datos ng mga Gumagamit
-
Ang mga Gumagamit na nagparehistro sa Aplikasyon o Websayt na nakasaad sa patakaran ng ika-apat
na punto ng mga Regulasyon ay magbibigay sa Tagapangasiwa ng mga sumusunod na Personal na Datos:
- pangalan at apelyido,
- Petsa ng kapanganakan,
- lungsod na tinitirahan,
- kasarian,
- numero sa telepono,
- elektronikong koreo,
- uri ng trabaho,
- propesyonal na karanasan (kabilang na ang mga nakamit, pag-unlad ng karir),
- edukasyon.
- Ang gumagamit ay maaaring opsyonal na kompletuhin ang kanyang detalye kasama ang kanyang larawan.
-
Para makapagpa-rehistro at makagawa ng Profile ang Gumagamit bilang Legal na Kinatawan na
magrerepresenta sa inyong anak / binabantayan, ang sumusunod na datos ay dapat kompleto:
- ang iyong pangalan at apelyido at ang pangalan at apelyido ng iyong anak / binabantayan,
- petsa ng kapanganakan ng bata / binabantayan,
- Lungsod na tinitirahan ng bata / binabantayan,
- kasarian ng bata / binabantayan,
- ang iyong numero ng relepono,
- ang iyong elektronikong koreo,
- uri ng trabaho na nagawa na ng bata / binabantayan,
- propesyonal na karanasan (kasama ang mga nakamit, uri ng nakaraang propesyonal na trabaho) ng bata / binabantayan,
- edukasyon ng bata / binabantayan,
- kaalaman sa mga banyagang wika ng bata / binabantayan.
- Ang gagamit ay maaaring opsyonal na kompletuhin ang Detalyeng ito kasama ang larawan ng bata / binabantayan.
- Ang mga gumagamit na naglagay ng Aplikasyon sa kanilang selpon ay pinapayagan ang Tagapangasiwa na makita ang lokasyon ng IP ng Gumagamit.
-
Ang mga Gumagamit na nagparehistro sa Aplikasyon o Websayt na nakasaad sa patakaran ng ika-apat
na punto ng mga Regulasyon ay magbibigay sa Tagapangasiwa ng mga sumusunod na Personal na Datos:
-
Legal na batayan, layunin, at panuntunan sa pagproseso ng Personal na Datos.
- Ang Personal na Datos ng mga Gumagamit ay naproseso sa Aplikasyon at Websayt, batayan ang batas na pinaiiral sa PILIPINAS, partikular sa batayan ng mga probisyon ng GDPR.
-
Ang Personal na Datos ng mga Gumagamit na ibinigay sa proseso ng pagpaparehistro ay nakasaad
sa bilang na 3.1 hangang 3.4 at ang datos na nakasaad sa bilang na 3.5 ay dapat iproseso para sa:
- pagtatapos ng kasunduan sa Tagapangasiwa na ang paksa ay ang probisyon ng mga Serbisyo ng Iyuno Group sa mga Gumagamit, kasama na ang Pagdedetalye sa Profiling,
- pagpapahintulot sa Gumagamit na magsumite ng Mungkahi at wakasan ang Kautusan,
- pag-uulat ng pinansyal at accounting kapag ang Kautusan at Iyuno Group ay nagtapos na at upang mapahayag ang anumang mga problema kaugnay sa pagpapatupad ng nagwakas na Kautusan kasama ang Iyuno Group,
- pagpapadala ng pangmerkadong mensahe ukol sa Iyuno Group o pinagkakatiwalaang mga kasosyo ng Iyuno Group, kasama na ang mga kliyente ng Iyuno Group.
-
Ang legal na batayan para sa pagproseso ng Personal na Datos na nakasaad sa bilang na 4.2 sa itaas ay:
- kapag magwawakas ng kasunduan sa Tagapangasiwa, ang paksa ay ang probisyon ng mga Serbisyo ng Iyuno Group sa Gumagamit – ang kanilang agarang pagpapatupad ng kontratang ito o pag-aksyon sa hiling ng Gumagamit bago wakasan ang kontrata sa Tagapangasiwa,
- kapag ang Gumagamit ay magsusumite ng Mungkahi at konklusyon ng Panimulang Kasunduan sa Paglipat, ang Kasunduan sa mga Karapatan sa Paglipat at ng Kautusan – ang kanilang pangangailangan para maipatupad ang Panimulang Kasunduan sa Paglipat, ang Kasunduan sa mga Karapatan sa Paglipat at mga Kautusan, partikular sa pagsususmite ng Mungkahi,
- ang pagsasaayos ng pinansyal at accounting tungkol sa nagtapos na Kautusan sa Iyuno Group – ang katuparan ng kasalukuyang obligasyon ng Tagapangasiwa na nagreresulta mula sa mga probisyon ng batas sa buwis.
- ang pagtatago ng Personal na Datos matapos ang pagwawakas o pagsasagawa ng kontrata, ang paksa ay nagbibigay sa mga Serbisyo ng Iyuno Group – ang lehitimong interes na naayon sa batas na sinunod ng Tagapangasiwa na bumubuo sa posibilidad na paghahanap ng problema kaugnay ng pagpapatupad ng kontratang ito o Kautusan
- pagpapadala ng pangmerkadong mensahe – ang lehitimong interes na isinagawa ng Tagapangasiwa o ng ikatlong partido kaugnay sa Tagapangasiwa, ay nakasaad sa paggamit ng Personal na Datos para sa layunin ng direktang pagmemerkado.
- Ang Tagapangasiwa ay hindi naglilipat, nagbebenta, nagpapahiram o kaya ay pinahihintulutang makita ng mga ikatlong partido ang Personal na Datos ng mga Gumagamit, maliban sa mga sitwasyong nakasaad sa bilang lima sa baba o kapag siya ay nakatanggap ng kahilingan na may kaugnayan sa otorisadong mga awtoridad na nagpapatakbo sa kanilang nasasakupan. Kakayanan.
- Habang ang Personal na Datos ng Gumagamit ay Pinoproseso, ang Tagapangasiwa ay isinasagawa ang angkop na teknikal at organisasyonal na hakbang upang masiguro ang tamang antas ng seguridad sa impormasyon, sa pamamagitan ng subok nang teknolohikal at organisasyonal na mga pamantayan na naglalayong mapigilan ang hindi otorisadong paggamit ng Personal na Datos, pagpapahayag ng mga ito, at para masiguro ang proteksyon laban sa maling paggamit ng mga ito, pagkawala, pagbago o pagsira.
-
Pagbibigay ng Personal na Datos
-
Ang Personal na Datos ng mga Gumagamit ay nakabahagi:
- Ang mga kustomer ng Iyuno Group na gumagamit ng Aplikasyon o Websayt,
- Ang ibang Aplikasyon at Serbisyo para sa mga Gumagamit na kasali sa parehong Produksiyon, limitado lamang sa pangalang, trabaho (guro, actor, atbp.) at larawan sa profile (kung ito ay isinama sa profile).
- Ang kliyente ng Iyuno Group, kung saan ibinigay ng Tagapangasiwa ang Personal na Datos ng Gumagamit, ay malayang makapagdesisyon tungkol sa mga layunin at kung paano ipoproseso ang mga datos, kaya siya ay magiging Tagapangasiwa ng Personal na Datos ng mga Gumagamit. Ang kliyente ng Iyuno Group, bilang Tagapangasiwa Ng Personal na Datos ng mga Gumagamit ay responsible sa seguridad at malayang pagproseso ng mga datos na ito at alinsunod sa naaangkop na batas, alinsunod sa GDPR.
-
Ang Personal na Datos ng mga Gumagamit ay nakabahagi:
-
Pagtatago ng Personal na Datos. Mga Karapatan ng mga Aktor ng Datos. Profiling.
-
Ang Personal na Datos ng mga Gumagamit na nakasaan sa bilang tatlo sa taas ay itatago ng Tagapangasiwa:
- hanggang sa burahin ng Gumagamit ang kanila Profile, maliban na lang kung burahin ng Gumagamit ang kanilang Personal na Datos para mapanatili o maipagpatuloy ang kooperasyon sa IYUNO Medya / Kliyente ng IYUNO Medya sa pamamagitan nang pagtanggal ng Aplikasyon at ng Websayt o sa pagpapadala ng mensaheng pangmerkado, o kapag binura na nila ang kanilang Profile;
- sa kabila ng panahon ng pagtatala ng mga posibleng problema kaugnay sa Kasunduan o sa Kautusan na nagwakas na sa IYUNO Medya o sa panahon ng pagtatago ng mga dokumentong pang-accounting o mga dokumentong pang-accounting na maiuugnay sa Kautusan, na nagreresulta sa pangkalahatang mga regulasyong naaangkop, depende kung alin sa mga panahong ito ang mas mahaba.
- Matapos ang panahon ng pagpapanatili ng Personal na Datos na nakasaad sa bilang anim punto isa sa taas, ang mga Personal na Datos ay permanente ng tinanggal o hindi kilala (ie, permanente na at hindi na maibabalik ang mga Personal na Datos sa paraang imposible nang magtalaga ng impormasyon sa isang tiyak na tao).
- Ang pagbibigay ng Personal na Datos ay boluntaryo, ngunit (dahil sa mga alituntunin ng operasyon at klase ng Aplikasyon) kinakailangang mawakasan ang kasunduan sa Tagapangasiwa, na ang layon ay makapagbigay ng mga Serbisyo ng IYUNO Medya para sa paggamit at pagwakas ng Kautusan ng IYUNO Medya o ng Kliyente ng IYUNO Medya. Ang pagtanggi sa pagbibigay ng Personal na Datos ay magreresulta sa hindi maaaring paggamit ng mga Serbisyo o kawalan ng permiso sa paggamit ng kabuuang kagamitan ng Aplikasyon (kung sakaling hindi makapagbigay ng datos na nakasaad sa bilang tatlo punto dalawa sa taas) o ang hindi pagwakas sa Kautusan.
- Sa pagsasagawa ng Tagapangasiwa sa kontrata, ang paksa ay ang probisyon ng mga Serbisyo ng IYUNO Medya sa Gumagamit, kung siya ay mayroong Personal na Datos na ibinigay ng Gumagamit, na nakasaad sa bilang na tatlo punto isa hanggang tatlo punto apat sa taas at ang datos na nakasaad sa bilang na tatlo punto lima sa taas, maaari itong makagawa ng desisyon sa pamamagitan ng bahagyang awtomatikong paraan bilang bahagi ng profiling. Ang mga ganoong desisyon ay ginawa, batayan ang mga algoritmo ng kompyuter na ginamit ng Tagapangasiwa, at pinatunayan ng otorisadong empleyado ng Tagapangasiwa at mayroong epekto sa Iyuno Group Client Adverts ay nakikita ng Gumagamit.
- Ang gumagamit na ang tagapangasiwa ng kaniyang personal na datos ay ang IYUNO ay may karapatang makita ang kaniyang datos at mabago, mabura, limitahan ang kanilang pagproseso, tumutol sa kanilang pagproseso, at humiling ng paglipat ng datos na ito sa ibang tagapanagasiwa, na maaaring isagawa kaugnay ng naaangkop na mga regulasyon.
- Ang Gumagamit ay may karapatang tumutol kahit kalian – para sa mga dahilang may kaugnayan sa kanyang espesyal na sitwasyon – para sa pagproseso ng personal na datos na nauukol sa kaniya, kung saan ang interes ng Tagapangasiwa ay ang legal na batayan ng pagproseso.
- Upang magamit ang mga nasa itaas na karapatan, maaaring magpadala ng angkop na mensahe sa Tagapangasiwa sa pamamagitan ng pagpapadala ng elektronikong koreo sa gdpr@iyuno.com
- Sa mga usaping kaugnay ng pagproseso ng personal na datos, ang mga Gumagamit ay may karapatang maghain ng reklamo sa Presidente ng Opisina para sa Proteksyon ng Personal na Datos.
-
Ang Personal na Datos ng mga Gumagamit na nakasaan sa bilang tatlo sa taas ay itatago ng Tagapangasiwa:
-
Cookies
-
Ang serbisyo ay gumagamit ng tinatawag na cookies (cookies). Ang mga dokumento ay nakalagay sa selpon ng
Gumagamit o ibang aparato ng serber ng Websayt at nagbibigay,bukod sa iba, ng mga estatistikong datos tungkol
sa aktibidad ng Gumagamit. Ang Gumagamit ay maaring hindi pahintulutan ang opsyon sa pagtanggap ng cookies kahit kailan,
ngunit siya ay dapat may kaalaman na ang hindi pagtanggap sa mga dokumentong ito ay maaaring makaapekto sa hirap ng paggamit
ng Aplikasyon. Ang Websayt ay gumagamit ng sumusunod na mga klase ng cookies:
- gumagamit upang bigyan ng otorisasyon ang pag- login sa mga sesyon,
- idinisenyo uoang makalikha ng estatistiko at pag-aralan ang aktibidad ng Gumagamit.
- Ang Tagapangasiwa ay gumagamit rin ng analitikal na software ng mga ikatlong partido (Google Analytics) na naglalagay sa selpon o sa iba pang aparato ng mga kodigo ng Gumagamit upang makakolekta ng datos ng mga Gumagamit.
- Ang detalyadong impormasyon tungkol sa mga posibilidad at paraan ng paghawak ng mga cookies ay makikita sa setting na ginamit ng Gumagamit (mula sa antas ng web browser). Ang hindi pagbago ng setting ng cookies ay nangangahulugan na sila ay maisasama sa selpon ng Gumagamit o ibang aparato.
-
Ang serbisyo ay gumagamit ng tinatawag na cookies (cookies). Ang mga dokumento ay nakalagay sa selpon ng
Gumagamit o ibang aparato ng serber ng Websayt at nagbibigay,bukod sa iba, ng mga estatistikong datos tungkol
sa aktibidad ng Gumagamit. Ang Gumagamit ay maaring hindi pahintulutan ang opsyon sa pagtanggap ng cookies kahit kailan,
ngunit siya ay dapat may kaalaman na ang hindi pagtanggap sa mga dokumentong ito ay maaaring makaapekto sa hirap ng paggamit
ng Aplikasyon. Ang Websayt ay gumagamit ng sumusunod na mga klase ng cookies:
-
Pangwakas na mga Probisyon
- Ang patakaran sa pagkapribado ay magiging epektibo sa ika-20 ng Nobyembre 2018.
-
Ang Tagapangasiwa ay may karapatang baguhin ang mga probisyon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, partikular sa sumusunod na mga sitwasyon:
- pagpapahaba o pagbabago ng mga kagamitan ng Aplikasyon o ng Websayt,
- pagpapakilala ng mga bagong Serbisyo o pagbabago ng sakop na mga Serbisyo, partikular sa pagpapahayag bayad para sa iba o lahat ng mga Serbisyo.
- mga pagbabago sa mga teknikal na kinakailangan para sa pagpapatakbo ng Aplikasyon o Websayt, mga pagbabago sa mga teknikal ng kondisyon ng pagbibigay ng mga Serbisyo, paglitaw ng bagong klase ng panganib kaugnay ng probisyon ng mga Serbisyo,
- ang kailangan para umayon ang Patakaran sa Pagkapribado sa mga angkop na batas,
- ang kailangan para umayon ang ibinigay na mga Serbisyo o nilalaman ng Patakaran sa Pagkapribado sa mga desisyon ng korte at administratibong mga desisyon, o para umayon ang Patakaran sa Pagkapribado sa pinakamahusay na mga praktis ng probisyon ng mga Serbisyo at proteksyon ng mga Gumagamit.
- Kapag may mga importanteng pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, ipapaalam sa Gumagamit ang tungkol dito sa pamamagitan ng pagpapadala ng impormasyon tungkol sa pagbabago ng Patakaran sa Pagkapribado sa adres ng elektronikong koreo na ibinigay ng Gumagamit noong siya ay nagparehistro.