Lisensiya ng kasunduan ng produb sa gumagamit ng aplikasyon
PAKIBASANG MABUTI ANG MGA NAKAPALOOB SA LISENSIYA
Ang pag-download, pag-install, o kaya naman ay paggamit ng aplikasyon ay nangangahulugan na tinatanggap[ at sumasang – ayon ka sa bisa ng lisensya at ng kasunduan at kondisyon na sumasaklaw sa iyong paggamit sa aplikasyon at sa dokumentasyon. Kung hindi ka sumasang-ayon, huwag mong gamitin ang Software.
SINO KAMI AT ANO ANG NAKSAAD SA KASUNDUAN
Kami ang IYUNO GROUP INC., na ang pangunahing address ng negosyo ay sa 6060 Center Drive, Suite 100, Los Angeles CA 90045, California ay binibigyan ka ng lisensya para gamitin:
- Ang software ng aplikasyon na pang-selpon ng Produb (App) at anumang pagbabago o karagdagan dito.
- Ang kaugnay na dokumentasyon online
- Ang mga nilalaman ng ibinigay namin sa iyo sa pamamagitan nito (Serbisyo). na pinahihintulutan sa kasunduang ito.
ANG IYONG PAGKAPRIBADO
Sa ilalim ng batas sa pangangalaga ng datos, kami ay kailangang magbigay sa iyo ng tiyak na impormasyon tungkol sa kung sino kami, kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na datos at kung ano ang mga layunin at ang iyogn mga karapatan kaugnay ng iyong personal na datos at kung paano mo ito magagamit. Ang impormasyong ito ay makikita sa https://ph.produb.app/patakaran-sa-privacy
Dapat tandaan na ang mga transmisyon sa internet ay hindi kailanman lubos na pribado o ligtas at ang anumang mensahe o impormasyon na iyong ipapadala gamit ang App o alinmang Serbisyo ay maaaring mabasa o maharang ng iba, kahit pa ito ay may natatanging paunawa na ang nasabing transmisyon ay protektado
ANG KASUNDUAN SA APPLE STORE AT GOOGLE PLAY AY DAPAT DING SUNDIN
Ang mga paraan kung saan maaari mong gamitin ang App at ang Dokumentasyon ay maaari ding kontrolin ng mga alituntunin at kasunduan ng APPLE STORE AT GOOGLE PLAY at maaaring gamitin, sa halip na ang mga kasunduang ito, kung saan ang dalawa ay may pagkakaiba.
MGA KAILANGAN SA SISTEMANG OPERATIBO
Ang app na ito ay nangangailangan ng smartphone na may iOS 11.0 o mas bago o Android 5 o mas bago.
SUPORTA PARA SA APP AT PAANO IPAPABATID SA AMIN ANG MGA PROBLEMA
Suporta. Kung gusto mo pang mas kilalanin ang App o ang Serbisyo o ikaw ay may mga problema sa paggamit ng mga ito ay maaaring magpadala ng elektronikong koreo: support-ph@produb.app
Pakikipag-ugnayan sa amin (kasama ang mga reklamo). Kung sa tingin mo ang App o Serbisyo ay may problema o mali ang pagpapaliwanag o kaya ay nais mong makipag-ugnayan tungkol sa ibang kadahilanan, mangyari lamang na magpadala ng elektronikong koreo sa aming grupo para sa serbisyo sa kostumer sa support-ph@produb.app.
Paano kami makikipag-ugnayan sa iyo. Kung kailangan naming makipag-ugnayan sa iyo ay magpapadala kami ng elektonikong koreo o sa pamamagitan ng SMS gamit ang mga detalye na ibinigay mo sa amin.
DAPAT IKAW AY EDAD 18 PARA TANGGAPIN ANG KASUNDUANG ITO AT MAKABILI NG APP
Dapat ikaw ay nasa edad 18 pataas upang matanggap ang mga kasunduang ito.
MGA PAGBABAGO SA KASUNDUANG ITO
Maaaring naming palitan ang kasunduang ito alinsunod sa pagbabago sa batas o upang mapaganda ang serbisyo o para sa mga karagdagang nilalaman na aming ipakikilala.
Kung hindi mo tatanggapin ang mga nasabing pagbabago ay maaari mo pa ring gamitin ang App at ang Serbisyo nang ayon sa kasalukuyang mga kasunduan ngunit ang mga bagong nilalaman ay maaaring hindi mo magamit o ikaw ay hindi bibigyan ng permiso para patuloy na gamitin ang App at ang Serbisyo.
I-UPDATE ANG APP AT MGA PAGBABAGO SA SERBISYO
Paminsan-minsan ay awtomatiko naming ina-update ang App at binabago ang Serbisyo para mas maging maayos ang takbo, mas mapaganda ang paggamit, para mailagay ang mga pagbabago sa sistemang operatibo o mabigyang-pansin ang mga problema sa seguridad. Maaari rin naming hilingin sa iyo na i-update ang App dahil sa mga kadahilanang ito.
Kung mas gusto mo na hindi i-install ang mga pagbabago o kung hindi ka pumayag sa awtomatikong pagbabago, maaaring hindi mo na muling magamit ang App at ang mga Serbisyo.
Ang App ay laging gagana gamit ang kasalukuyan o nakaraang bersyon ng sistemang operatibo (dahil ito ay maaaring mabago paminsan-minsan) at mai-ugnay ang deskripsyon nito na ibinigay sa iyo noong ikaw ay nag-download.
MAAARI KAMING MANGOLEKTA NG TEKNIKAL NA DATOS TUNGKOL SA IYONG APARATO
Sa paggamit ng App o alinmang mga Serbisyo, ikaw ay sumasang-ayon sa aming pagkolekta at paggamit ng teknikal na impormasyon ng aparato na ginamit mo sa App at ang may kaugnay na software, hardware, at mga peripheral para mas mapaganda ang aming mga produkto at para ikaw ay mabigyan ng alinman sa mga Serbisyo.
KAMI AY HINDI RESPONSIBLE SA IBANG WEBSAYT NA IUUGNAY MO
Ang app o alinmang Serbisyo ay maaaring naglalaman ng mga link papunta sa ibang hiwalay na websayt na hindi namin ibinigay. Kami ay walang kontrol sa mga hiwalay na site, at kami ay hindi responsible at hindi naberipika at pinayagan ang kanilang nilalaman o ang kanilang mga patakaran sa pagkapribado (kung mayroon man).
Kinakailangan mong magdesisyon kung gagamitin mo ang hiwalay na mga site, kasama na ang pagbili ng alinmang mga produkto o serbisyo na iminumungkahi nila.
MGA IPINAGBABAWAL SA LISENSYA
Ikaw ay sumasang-ayon na:
- hindi kokopyahin ang App, Dokumentasyon o mga Serbisyo, bukod sa bahagi ng normal na paggamit ng App o kung saan ito ay kinakailangan para sa layuning mag-back up o seguridad sa pagpapatakbo;
- hindi isasalin, isasama, iaangkop, babaguhin, papalitan o iibahin, ang kabuuan o alinmang bahagi ng App, Dokumentasyon o mga Serbisyo at hindi rin papayagan ang App o ang mga Serbisyo o alinmang bahagi ng mga ito na maisama, o maging kaisa, ng alinmang mga programa, bukod na lamang kung kinakailangan sa paggamit ng App at mga Serbisyo sa mga aparato na pinayagan sa kasunduang ito;
-
hindi sisirain, paghihiwalayin, babaguhin o lilkha ng mga gawaing deribatibo batay sa kabuuan o
alinmang bahagi ng App o ng mga Serbisyo at hindi rin susubukang gawin ang alinman sa mga nabanggit,
maliban na lamang kung (sa bisa ng bahagi 50B at 296A ng Copyright, Designs and Patents Act 1988 o alinman
sa angkop na batas) ang mga nagawa ay hindi maaaring pagbawalan dahil ang mga ito ay kinakailangan para
paghiwalayin ang App para makakuha ng impormasyong kinakailangan sa pagbuo ng hiwalay ng programa na
maaaring paganahin gamit ang App o gamit ang ibang programa (Pinahintulutang Layunin), at kung ang
impormasyon ay nakuha mo habang ginagawa ang mga sumusunod:
- ay hindi isinisiwalat o pinag-uusapan nang walang paunang permiso ng Tagapaglisensya sa alinmang ikatlong partido na hindi na kinakailangan pang isiwalat o sabihin ito upang makuha ang Pinahintulutang Layunin; at
- ay hindi ginagamit para gumawa ng anumang software na sa kalahatan ay kawangis ng App;
- ay pinananatili ang seguridad; at
- ay ginagamit lamang sa Pinahintulutang Layunin;
- sumunod sa lahat ng angkop na kontrol ng teknolohiya o mga batas na kinuha at mga regulasyon na angkop sa ginamit na teknolohiya o suportado ng App o alinmang Serbisyo.
MGA PAGHIHIGPIT SA KATANGGAP-TANGGAP NA PAGGAMIT
Ikaw ay dapat:
- hindi gagamitin ang App o alinmang Serbisyo sa anumang ipinagbabawal na gawain, sa anumang ipinagbabawal na layunin, alinmang gawain na hindi sumusunod sa mga kasunduang ito, o kumilos nang mali o kahina-hinala, halimbawa, pangha-hack o paglalagay ng kahina-hinalang code, gaya ng mga virus, o mapanganib na datos, sa App, alinmang Serbisyo o alinmang sistemang operatibo;
- hindi lalabag sa aming mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari o alinmang ikatlong partido kaugnay ng iyong paggamit sa App o alinmang Serbisyo, kasama na ang pagsumite ng alinmang materyal (hanggang sa ang mga nasabing paggamit ay hindi na lisensyado ng mga kasunduang ito);
- hindi nagpadala ng anumang materyal na mapanirang-puri, nakasasakit o kung hindi man ay hindi kanais-nais na may kaugnayan sa iyong paggamit ng App o anumang Serbisyo;
- hindi ginamit ang App o anumang Serbisyo sa paraang maaaring makapinsala, makasira, makabigat, makapinsala o makompromiso ang aming mga sistema o seguridad o makahadlang sa iba pang mga gumagamit; at
- hindi mangolekta o kumuha ang anumang impormasyon o datos mula sa anumang Serbisyo o aming mga sistema o magtangkang basahin ang anumang mga transmisyon papunta o mula sa mga serber na pinatatakbo ang anumang Serbisyo.
INTELEKTWAL NA MGA KARAPATAN SA PAGAA-ARI
Lahat ng mga karapatan sa intelektwal na pag-aari sa App, ang Dokumentasyon at ang mga Serbisyo sa buong mundo ay pag-aari namin at ang mga karapatan sa App at ang mga Serbisyo ay lisensyado (hindi ipinagbili) sa iyo. Wala kang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari sa App, sa Dokumentasyon o sa mga Serbisyo maliban sa karapatang gamitin ang mga ito alinsunod sa mga tuntuning ito.
ANG AMING RESPONSIBILIDAD SA PAGKAWALA O PAGKASIRA NA NARANASAN MO
Kami ay responsable sa mga inaasahang pagkawala at pagkasira na kami ang nagdulot sa iyo. Kung kami ay nabigong sumunod sa mga tuntuning ito, kami ay responsable sa pagkawala o pinsala na dinanas mo, na inaasahang resulta ng aming paglabag sa mga tuntuning ito o ang aming pagkabigo sa paggamit ng makatuwirang pangangalaga at kasanayan, ngunit hindi kami responsable sa anumang pagkawala o pinsala na hindi inaasahan. Ang pagkawala o pinsala ay maaasahan kung ang alinman ay malinaw na mangyayari o kung, sa oras na tinanggap mo ang mga kasunduang ito, kapwa natin alam na ito ay maaaring mangyari.
Hindi namin ibinubukod o nililimitahan sa anumang paraan ang aming pananagutan sa iyo kung saan labag sa batas na gawin ito. Kasama rito ang pananagutan sa pagkamatay o personal na pinsala na sanhi ng aming kapabayaan o kapabayaan ng aming mga empleyado, ahente o subkontraktor o para sa pandaraya o pandaraya sa maling paglalarawan.
Kapag kami ay may pananagutan sa pinsala sa iyong pag-aari. Kung may sira ang digital na nilalaman na galing samin ay napinsala ang aparato o digital na nilalaman na pagmamay-ari mo, maaari naming ayusin ang pinsala o kami ay magbayad-pinsala sa iyo. Gayunpaman, kami ay walang pananagutan sa pinsala na maaari mo sanang iwasan sa pamamagitan ng pagsunod sa aming payo na gamitin ang update na inialok sa iyo nang walang bayad o para sa pinsala na dulot ng hindi mo pagsunod nang tama sa mga tagubilin sa pag-install o upang mailagay ang mga pinakamababang kinakailangan sa sistema na iminungkahi namin.
Kami ay walang pananagutan sa pagkalugi ng negosyo. Ang App ay para sa lokal at pribadong paggamit. Kung gagamitin mo ang App para sa anumang komersyal, negosyo o layong muling pagbebenta, kami ay walang pananagutan sa iyong pagkalugi, pagkalugi ng negosyo, paghinto ng negosyo, o pagkawala ng pagkakataon sa negosyo.
Mga limitasyon sa App at Mga Serbisyo. Ang App at ang Mga Serbisyo ay ibinigay para sa pangkalahatang impormasyon at mga panlibangang hangarin lamang. Hindi sila nag-aalok ng payo kung saan dapat kang umasa. Dapat kang humingi ng payo sa propesyonal o dalubhasa bago kumuha, o paghinto sa, anumang aksyon batay sa impormasyong nakuha mula sa App o sa Serbisyo. Bagaman kami ay gumawa ng makatuwirang pagsisikap na i-update ang impormasyong nanggaling sa App at sa Serbisyo, kami ay walang representasyon, mga warranty o garantiya, sinabi man o ipinahiwatig, na ang naturang impormasyon ay tiyak, kumpleto o napapanahon.
Mangyaring i-back up ang nilalaman at datos na ginamit sa App. Inirerekumenda namin na i-back up mo ang anumang nilalaman at datos na ginamit na may kaugnayan sa App, upang maprotektahan ang iyong sarili kung sakaling may mga problema sa App o sa Serbisyo.
Suriin kung ang App at ang Mga Serbisyo ay angkop para sa iyo. Ang App at ang Mga Serbisyo ay hindi pa binuo upang matugunan ang iyong mga indibidwal na pangangailangan. Mangyaring suriin kung ang mga pasilidad at gamit ng App at ang Mga Serbisyo (tulad ng inilarawan sa site ng appstore at sa Dokumentasyon) ay natutugunan ang iyong mga pangangailangan.
Kami ay walang pananagutan sa mga kaganapang hindi namin kontrolado. Kung ang aming probisyon ng Mga Serbisyo o suporta para sa App o Mga Serbisyo ay naantala dahil sa isang kaganapan na hindi namin kontrolado, kami ay makikipag-ugnayan sa iyo sa lalong madaling panahon upang ipaalam sa iyo at kami ay gagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng pagkaantala. Sa kondisyon na gawin namin ito, kami ay walang pananagutan sa mga pagkaantalang sanhi ng kaganapan, ngunit kung may panganib na magkaroon ng pagkaantala ay maaari kang makipag-ugnayan sa amin upang wakasan na ang iyong kontrata at tanggapin ang iyong ibinayad para sa anumang Mga Serbisyo na iyong nabayaran na ngunit hindi pa natatanggap.
MAAARI NAMING WAKASAN ANG IYONG MGA KARAPATAN NA GAMITIN ANG APP AT ANG MGA SERBISYO KUNG IKAW AY LUMABAG SA KASUNDUANG ITO
Maaari naming wakasan ang iyong mga karapatan na gamitin ang App at Mga Serbisyo sa anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iyo kung nalabag mo ang kasunduang ito sa isang seryosong paraan. Kung ang iyong nagawa ay maaaring maitama, bibigyan ka namin ng pagkakataon na gawin ito.
Kung wawakasan namin ang iyong mga karapatan na gamitin ang App at Mga Serbisyo:
- Dapat mong ihinto ang lahat ng mga aktibidad na pinahintulutan ng mga alituntuning ito, kasama na ang iyong paggamit ng App at anumang Mga Serbisyo.
- Dapat mong burahin o alisin ang App mula sa lahat ng mga aparato na iyong pag-aari at agad na sirain ang lahat ng mga kopya ng App na mayroon ka at patunayan sa amin na nagawa mo na ito.
- Maaari naming ma-access nang malayuan ang iyong mga aparato at alisin ang App mula sa mga ito at ihinto ang pagbibigay sa iyo ng karapatang gamitin ang mga Serbisyo.
MAAARI NAMING ILIPAT SA IBA ANG KASUNDUANG ITO
Maaari naming ilipat ang aming mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng mga tuntuning ito sa ibang organisasyon. Palagi naming ipaaalam sa iyo sa liham kung ito ay mangyayari at titiyakin namin na ang paglipat ay hindi makaaapekto sa iyong mga karapatan sa ilalim ng kontrata.
KAILANGAN MO ANG AMING PAHINTULOT UPANG MAILIPAT ANG IYONG KARAPATAN SA IBA
Maaari mo lamang ilipat ang iyong mga karapatan o ang iyong mga obligasyon sa ilalim ng mga tuntuning ito sa ibang tao kung kami ay sumasang-ayon sa liham.
WALANG KARAPATAN PARA SA IKATLONG PARTIDO
Ang kasunduang ito ay hindi nagbibigay ng anumang mga karapatan sa ilalim ng Batas ng Mga Kontrata (Mga Karapatan ng Mga Ikatlong Partido) ng 1999, upang ipatupad ang anumang tuntunin ng kasunduang ito.
KUNG MAPAG-ALAMAN NG KORTE NA ANG ILANG BAHAGI NG KONTRATANG ITO AY ILEGAL, ANG IBA PA AY PATULOY NA IPATUTUPAD
Ang bawat isa sa mga talata ng mga tuntuning ito ay magkakahiwalay na ipinatutupad. Kung ang anumang korte o tamang awtoridad ay nagpasiya na ang alinman sa mga ito ay labag sa batas, ang natitirang mga talata ay mananatiling ipatutupad at may bisa.
KAHIT NA IPAGPALIBAN NAMIN ANG PAGPAPATUPAD SA KONTRATANG ITO, MAAARI PA RIN NAMING IPATUPAD ITO KALAUNAN
Kahit na ipagpaliban namin ang pagpapatupad sa kontratang ito, maaari pa rin naming ipatupad ito kalaunan. Kung hindi namig ipagpipilitan agad na gawin mo ang anumang kailangan mong gawin sa ilalim ng mga tuntuning ito, o kung naantala kami sa paggawa ng mga hakbang laban sa iyo patungkol sa iyong paglabag sa kontratang ito, hindi ito nangangahulugan na hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na iyon at ito ay hindi makapipigil sa amin na gumawa ng mga hakbang laban sa iyo kinalaunan.
ANONG MGA BATAS ANG AKMA SA KONTRATANG ITO AT SAAN MO MAAARING DALHIN ANG MGA LEGAL NA PAGLILITIS
Ang mga tuntuning ito ay pinamamahalaan ng batas ng ,,PILIPINAS”.
ALTERNATIBONG RESOLUSYON SA PAGTATALO
Nakasisiguro kaming hindi magkakaroon ng anumang pakikipagtalo laban sa iyo.